Allein Maliksi, tinangging may malisya sa 'halo-halo' hand gesture

[ Source: ABS CBN News ] - February 16, 2017

Allein Maliksi of Star. PBA ImagesMariing itinanggi ni Star forward Allein Maliksi na ang mga referees ang pinatatamaan niya nang sumenyas siya ng tila nagkakanaw ng pagkain.

Nangyari ang umanong pangungutya 38.3 seconds na lang ang natitira sa game clock ng Game 4 ng best-of-7 semifinals series sa pagitan ng Star at Barangay Ginebra nitong Miyerkules sa Araneta Coliseum.

Pagkatapos tinawagan ng foul si Maliksi kontra Sol Mercado ng Ginebra, tinaas ni Maliksi ang kanyang mga kamay at nagmwestrang parang may hinahalo.

Ayon sa interview na lumabas sa Spin.ph, hindi raw tinutukoy ni Maliksi ang mga referees. Nanalo ang Ginebra 93-86 para itabla ang serye 2-all.

“Dapat scramble kami sa defense, so sabi ko nag-full rotation na, kaya rin pagdating sa rebounds, medyo hindi kami . . . wala masyadong huma-hustle, so sabi ko pag medyo scramble na, tulong-tulong na tayo kumuha ng rebound,” ani Maliksi.
 
“Kaya yun yung gesture ko sa kanila, sabi ko, ikot-ikot na tayo pag ganun.”

Read full story on ABS CBN News

Thunder's Enes Kanter returns to practice after arm surgery
Sensational Svitolina Crushes Davis In Dubai
Cone ‘scared’ of San Miguel: We’re the underdogs
Ariya Jutanugarn, Amy Yang shoot 66 to take lead at LPGA Thailand
Solaire Phl Open hikes pot to $.4M
Ginebra's Tim Cone wants to be cautious with ailing Joe Devance
Sources: Mavericks trade Andrew Bogut to 76ers for Nerlens Noel