Header Ads


Pacquiao sa kaniyang bagong basketball league: ‘Hindi kakompetensya ng PBA’

Iginiit ni Manny Pacquiao ngayong Huwebes na hindi itinayo ang bagong Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) para kalabanin ang Philippine Basketball Association.

Si Pacquiao ang itinuturing na founder ng MPBL, isang bagong liga na ang pangunahing layunin ay makapagbigay ng pagkakataon sa mga di pa nakakapag-pro na basketball player na nagnanais makalaro sa isang prestihiyosong kompetisyon.

Manny Pacquiao says the Maharlika Pilipinas Basketball League, which opened Thursday night, won't be competing with the PBA. George Calvelo, ABS-CBN News
"Ngayon pa lang gusto kong ipaalam sa inyo na iba ang set-up nitong liga na ito. Hindi tayo kokompetensiya sa Philippine Basketball Association," ani Pacquiao sa opening ng liga sa Araneta Coliseum.

Habang "grassroots" ang MPBL, o mas tutok sa mga manlalarong nagsisimula pa lang, di rin naman nito isasara ang pinto sa professional players na gusto pang maglaro sa kompetisyong top level, kabilang dito ang dating PBA players.

"With the help of everyone, we envision the MPBL to become a top-notch basketball league for our masses, providing for underprivileged basketball players the needed exposure and aiding them to reach superstardom while opening up opportunities for PBA players to extend their basketball careers," wika ni Pacquiao.

Huling naiugnay ang pangalan ni Pacquiao sa basketball noong siya'y nag-playing coach sa koponang Kia sa PBA.

Full Article

No comments

Powered by Blogger.