Header Ads


Gary David, Marlou Aquino, mga ex-PBA players sasabak sa ligang Maharlika

MANILA – Magbabalik-aksyon sa hardcourt ang ilang dating sikat na manlalaro ng PBA kagaya nina Marlou Aquino, Gary David at Sunday Salvacion sa pag-arangkada ng pinakabagong Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na katatampukan ng 10 koponan mula sa iba’t ibang lungsod at probinsiya sa Luzon at Metro Manila.

Sa pagbubukas sa Enero 25 ng ligang maihahalintulad sa noo’y Metropolitan Basketball Association (MBA), ipaparada ng iba’t ibang koponan ang kani-kaniyang lokal na manlalaro na sasamahan pa ng ilang beteranong PBA players at sikat na college players.


Pangungunahan ni David na naging miyembro din ng national team ang koponan mula sa Bataan habang maglalaro naman si Aquino, binansagang “The Skyscraper” sa PBA, para sa preseason champion na Bulacan Kuyas.

Sasamahan si Aquino ng dating point guard ng University of the East Red Warriors sa UAAP na si James Martinez at Chris Baluyot na dating naglaro para sa Air21.

Makikita naman sa Navotas si Salvacion na huling naglaro sa GlobalPort. Magiging kaagapay ng dating NCAA MVP ang Letran standout na si JP Calvo at FEU guard Ron Dennison.

Full Article

No comments

Powered by Blogger.